Quezon City – Pinangunahan ni Police Colonel Rogelio Simon, Acting Director ng Police Security and Protection Group (PSPG), ang Presentation of Recalled Protective Security Personnel (PSP) na ginanap sa PNP Grandstand, Camp BGen Rafael T Crame, Quezon City bandang 9:00 ng umaga ng Agosto 29, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay sinaksihan ni Police Brigadier General Leo Francisco, The Acting Director for Operations, bilang representante ng Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na si Police General Benjamin Acorda Jr, bilang panauhing pandangal at tagapagsalita.
Sa kaganapang ito, pansamantalang babawiin o pinababalik ng PSPG ang lahat ng Protective Security Personnel (PSP) o bodyguards na naka-detailed sa mga protectees at sabay sabay na bibilangin ang mga ito mula sa PED at RPSPUs.
Ang nasabing pagpapabalik o pagbawi ay may kaugnayan sa COMELEC Resolution 10918 o ang mga patakaran at regulasyon sa pagbabawal sa (1) pagdadala ng baril o iba pang nakamamatay na armas; at (2) trabaho, availment o engagement ng serbisyo ng mga security personnel o bodyguards sa panahon ng halalan sa Oktubre 30, 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Alinsunod sa nabanggit na resolusyon, babawiin ng PSPG ang kanilang mga tauhan sa pagsisimula ng Panahon ng Halalan at Panahon ng Pagbabawal, mula Agosto 28, 2023 hanggang Nobyembre 29, 2023.
Ang mga recalled personnel ay sasailalim sa VIP Security and Protection Refresher Course upang mas mapahusay pa ang kanilang protective security skills gayundin ang pagpapaalala sa kanila ang mga ipinagbabawal na gawain sa panahon ng halalan.