Quezon City – Muling nakakuha ng parangal si PSMS Gisela N Ydel ng 2nd IPMFC, Isabela PPO sa idinaos na 122nd Police Service Anniversary sa PNP Headquarters Camp Crame, Quezon City nito lamang ika-8 ng Agosto 2023.
Nasungkit ni PSMS Ydel ang parangal na Best Senior PNCO for Administration mula sa lima nitong nakatunggali na kapulisan kung saan sila’y masusing dumaan sa deliberasyon ng PNP National Headquarters, individual presentation ng mga naging accomplishments, at panel interview.
Matatandaan na si PSMS Ydel ay nakakuha rin ng parangal bilang Outstanding Senior PNCO for Police Community Relations CY 2023 Provincial Level sa katatapos lamang na Culminating Ceremony ng 28th PCR Month Celebration na iginawad noong ika-31 ng Hulyo sa Isabela Police Provincial Office at Outstanding Senior PNCO for PCR CY 2022 Regional Level.
Hindi naging imposible ang pagkamit ni PSMS Ydel sa mga parangal na iginawad sa kanya dahil sa kanyang husay at dedikasyon sa sinumpaang tungkulin.
Mensahe naman ng pagbati at paghanga ang ipinarating ni Police Colonel Julio R Go, Provincial Director ng IPPO kay PSMS Ydel dahil sa buong kapulisan ng Police Regional Office ay ito lamang ang natatanging pulis na pinarangalan sa napakahalagang pagdiriwang na ito ng Pambansang Pulisya.
Source: Isabela PPO, PIO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos