Cavite – Matagumpay na nagtapos ang Public Safety Field Training Program (PSFTP) Batch 2022-01 Class ‘’Bagsik-Liyab’’ na ginanap sa Camp 1Lt Melencio De Sagun Sr., Trece Martires City, Cavite nito lamang Biyernes, ika-1 ng Disyembre 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Christopher Dela Pena, Acting Chief, Regional Special Training Unit 4A, katuwang ang Regional Learning and Doctrine Development Division 4A, Regional Police Community Affairs and Development Unit (RPCADU) 4A, at dinaluhan ni Police Colonel Warren Gaspar Tolito, Deputy Director for Administration ng Police Community Affairs and Development Group bilang Guest of Honor and Speaker na nagpaabot ng pagbati sa lahat ng nagtapos.

Ang Class 2022-01 “Bagsik-Liyab” ay binubuo ng 150 na Patrolwomen ng Police Community Affairs and Development Group, 30 na Patrolwomen mula PNP Anti-Cybercrime Group at 1 Patrolwoman mula naman sa Police Security and Protection Group.
Tampok sa aktibidad ang pagkabit sa PNP Badge at pagbigay-puri at pagkilala sa Over-all Top 3 Outstanding students na sina Patrolwoman Micah Mae Bahiwag bilang Top 1, Patrolwoman Shairra Rose Aquino bilang Top 2 at Patrolwoman Jilly Pena bilang Top 3; pawang mula sa PCADG.

‘’As you wear your uniforms with pride, never forget that you are not just officers of the law, but also you can provoke, protectors of justice and role models for these aspiring to make a difference’’, pahayag ni PCol Tolito.
Sa pagtatapos ng programa, muli namang nayakap at nakapiling ng Class “Bagsik-Liyab” ang kanilang mga mahal sa buhay na sumuporta at nanalanging makatapos sa kanilang training at maging isang ganap na miyembro ng Philippine National Police.
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin