Friday, November 29, 2024

PSBRC Batch 2021 Class 05 at 06, matagumpay na nagtapos

Isabela – Matagumpay na nagtapos ang PSBRC Batch 2021 Class 05 at 06 ng anim na buwang pagsasanay bilang alagad ng batas sa loob ng Regional Training Center 2 sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Rodrigo Soriano na ginanap sa Regional Training Center 2, Ilagan City, Isabela noong ika-14 ng Abril 2023.

Makikita ang kagalakan sa bawat nagtapos mula sa Class 05 na may bilang na 97 at Class 06 na may bilang na 105, lalo na nung tinanggap nila ang kanilang sertipiko ng pagtatapos at mga parangal na nakamit mula sa academic at physical rating kung saan may overall top 1 ang bawat class.

Ayon Kay Patrolman Ronald Bryan Racusa, overall top 1 ng Class 05, isa sa pinakamahalagang natutunan niya sa training center ay ang pagsunod sa simpleng utos kung saan ito ay pagpapakita ng respeto at disiplina. Si Patrolwoman Ely E Pidlao naman ay ang disiplina at ang paghubog sa kanila na maging malakas at matatag sa pagharap sa paninilbihan sa bayan ng may katapatan.

Dumalo at pinangatawanan ni Police Lieutenant Colonel Jonard De Guzman ng Regional Medical and Dental Unit 2 si Police Brigadier General Jezebel Medina bilang Panauhing Pandangal sa aktibidad. Mainit ang naging pagbati niya sa mga nagtapos at madiin niyang payo ay huwag sayangin ang pagkakataon ibinigay sa kanila na maglingkod sa bayan dahil hindi lamang sila basta masasabing alagad ng batas kundi isang public servant na may kakayahan magpabago sa paniniwala ng komunidad at makuha ang tiwala ng mamamayan.

Sa pahayag naman ni Police Lieutenant Colonel Soriano ay kanya namang ipinagmalaki ang mga nagtapos sapagkat lahat sila ay nalagpasan ang hirap at mga pagsubok ng pagsasanay sa loob ng training center. Kaya naman pinayuhan din niya ang mga ito na magsilbi sa bayan ng tapat at may integridad.

Ang Regional Training Center 2 ay patuloy na lilinangin ang bawat police trainee na maging matatag at handang humarap sa paninilbihan sa bayan hanggang sa araw na sila ay makapagtapos.

Source: RTC 2

Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles