Pinangunahan ni President Rodrigo Roa Duterte ang inagurasyon ng muling pagbubukas sa publiko ng Philippine National Railroad San Pablo-Lucena Inter-provincial Commuter Service nito lamang Sabado, Hunyo 25, 2022.
Halos isang dekada matapos ang huling operasyon nito noong Oktubre 2013, muling bibiyahe sa Hunyo 26, 2022 ang linyang San Pablo-Lucena kung saan ang oras ng paglalakbay ay mababawasan sa 30 minuto mula sa karaniwang isang oras na paglalakbay.
Katuwang sa pagsasakatuparan ng proyekto ang Department of Transportation (DOTr) sa pamumuno ni Secretary Art Tugade na ginanap sa PNP San Pablo Station, P. Alcantara St, San Pablo City, Laguna.
Ang linya ng San Pablo-Lucena ay magkakaroon ng dalawang pangunahing istasyon at apat na flag stop na magsisilbi sa apat na munisipalidad at lungsod sa mga lalawigan ng Laguna at Quezon.
Ang naturang train ay may 44-kilometrong inter-provincial railway commuter line ay magpapanumbalik ng PNR Bicol o “Bicol Express,” na mag-uugnay sa Metro Manila at mga lalawigan sa Southern Luzon, kabilang ang Laguna, Quezon, Camarines Sur, at Sorsogon.
Sa pagtatapos ng termino ng Administrasyong Duterte muli nitong pinatunayan sa mamamayan ang sigasig at pangako na mabigyan ng mas komportableng buhay ang bawat Pilipino.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Cabugon