Cebu – Matagumpay na inilunsad ng mga tauhan ng Mandaue City PNP ang “Proyekto na Pangkabuhayan” para sa mga misis ng mga Person Under Police Custody ng Police Station 3, MCPO sa Brgy. Jagobiao Gym, Mandaue City, Cebu noong Marso 28, 2023.
Ang nasabing programa ay pinangasiwaan ni Police Colonel Jeffrey Caballes, City Director, kasama ang Police Station 3, MCPO, Advisory Council, mga residente ng iba’t ibang barangay at sa aktibong pakikiisa ng mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 7.
Sa panimula ng programa ay binigyan ng kaalaman ang mga dumalo patungkol sa ilegal na droga at mga ilegal na pangre-recruit ng mga makakaliwang grupo na CPP-NPA-NDF.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga kalahok sa tulong at aral na ibinahagi ng ating mga kapulisan.
Layunin ng programa na matulungan at mabigyan ang mga asawa ng mga Person Under Police Custody ng Police Station 3, MCPO na magkaroon ng pangkabuhayan na kanilang magagamit upang kumita ng pera at makatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Ang programang ito ay bahagi sa peace and security framework ng ating CPNP na M+K+K=K o Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na may hangad na ipaabot ang mga tulong at suporta sa mga mamamayan na lubos na nangangailangan.