Lubos ang saya ng isang dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) nang mahandugan ng bagong tahanan sa tulong ng kapulisan ng Regional Mobile Force Battalion 7 “PANDAYanihan” Program nito lamang Biyernes, Marso 11, 2022.
Makalipas ang halos tatlong buwan na pananalasa ng Bagyong Odette sa lalawigan ng Cebu, maraming pamilya ang nawalan ng tahanan at kabilang na dito ang dating miyembro ng Communist Terrorist Group na residente ng Brgy. Lawaan, Dumanjug, Cebu.
Ang dating CTG member ay may limang anak at ilang taon na din na nagdurusa sa mga sira, butas ng bubong at hindi maayos na tirahan.
Naging emosyonal naman ang benepisyaryo ng programa, nang mabigyan ng pagkakataong makapagbigay ng kanilang mensahe. Sabi nito “Dako kaayo ug tabang kanamu”.
Naisakatuparan ang programang PANDAYanihan sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ronan Claravall, Force Commander, RMFB 7.
Ang programa ay naglalayong matulungan ang ating mga mahihirap na kababayan na lubos na naapektuhan ng nakaraang bagyong Odette na ayusin ang kanilang tirahan kasama na ang pagpapatayo ng bago o pagsasaayos ng mga ito.
###
Panulat ni Patrolman Aivan M Guisadio
Sipag talaga ng PNP more power sa inyo mam/sir