Nagkaisa ang puwersa ng kapulisan at ang lokal na pamahalaan ng Aborlan upang maisakatuparan ang pagsasagawa ng community outreach program na tinawag na Biyayang Bigay ni Marcos (BBM) sa Barangay Aporawan, Aborlan, Palawan nito lamang ika-18 ng Pebrero 2024.

Naisagawa ang proyektong ito sa pagtutulungan ng mga personahe ng Palawan Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Baby Jane T Comoso, Chief, PCADU, Provincial Medical and Dental Unit, at 1st Provincial Mobile Force Company.

Nakiisa rin sa aktibidad ang grupo mula sa Palawan Eye Center, Precious Life Foundation at mga local na opisyal ng Barangay Aporawan.
Ang serbisyong handog sa mga benepisyaryo ay ang paggawa ng basahan at dishwashing liquid, medical check-up, dental care and consultation, libreng tuli, libreng gupit, feeding activity, at gift-giving.

Ang pagsasagawa ng programang ito ay handog ng organisadong sangay ng pamahalaan sa MIMAROPA na naglalayong mapataas ang positibong tiwala at pananaw ng publiko sa pamahalaan para magkaisa ang lahat sa ninanais na Bagong Pilipinas.
Source: Palawan PCADU
Panulat ni Patrolwoman Ana Rose D Guadaña