Laguna – Arestado sa manhunt operation ng mga miyembro ng Bay PNP ang Provincial Most Wanted Person ng Laguna sa kasong Qualified Theft nito lamang Disyembre 8, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas ‘’Jeremy’’, residente ng Bay, Laguna.
Naaresto ang suspek ganap na 2:00 ng hapon sa Brgy. San Antonio, Bay, Laguna ng mga operatiba ng Bay Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Theft na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php120,000.
Ayon sa pahayag ni PCol Depositar, “Patuloy ang pagtugis ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas upang siguraduhin na mabigyan ng agarang hustisya ang mga naging biktima. Titiyakin din ng inyong kapulisan na mapanatili ang kaayusan, katahimikan at kapayapaan sa buong lalawigan.”
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin