Laguna – Arestado sa ikinasang Manhunt operation ng San Pedro PNP ang Provincial Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 7610 nito lamang Disyembre 6, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Harold Depositar, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas ‘’Joseph’’, residente ng San Pedro City, Laguna.
Naaresto ang suspek ganap na 9:00 ng gabi sa Brgy. Nueva, San Pedro City, Laguna ng San Pedro Component City Police Station (CPS), sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act” na may inirekomendang piyansa na aabot sa Php200,000.
Ayon sa pahayag ni PCol Depositar, “Hindi titigil ang Laguna PNP sa pagtugis sa mga nagtatago sa batas. Mas paiigtingin pa namin ang pagsasagawa ng mga police operations para mapanagot ang mga may sala.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin