Nadakip sa pinagsanib na pwersa ng Batangas PNP at Ragay PNP ang Most Wanted Person ng Batangas ganap na 9:00 ng umaga, noong ika-14 ng Nobyembre 2024 sa Barangay Upper Omon, Ragay, Camarines Sur.
Kinilala ni Police Major Arwin Baby M Caimbon ang suspek na si alyas “Romil”, 49 anyos, tubong Barangay Sampaguita, Mabini, Batangas at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Upper Omon, Ragay, Camarines Sur at nakalista bilang Most Wanted Person ng Probinsya ng Batangas.
Sa isinagawang operasyon ng Mabini MPS at Ragay MPS, nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Illegal Recruitment na walang inirerekomendang piyansa.
Ayon naman kay Provinvial Director, Police Colonel Jacinto R Malinao Jr. “Ang Batangas Police ay nakatuon sa pagprotekta sa publiko laban sa panganib ng illegal recruitment, patuloy tayong magsisikap na matukoy at mahuli ang mga nakikibahagi sa kriminal na aktibidad na ito. Nakatuon ang PNP sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng lahat ng residente ng Batangas. Patuloy kaming makikipagtulungan sa aming mga kasosyo sa komunidad upang labanan ang ilegal na pangangalap at iba pang mga krimen.”
Source: Batangas PPO-PIO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales