Nasakote ang isang Most Wanted Person sa Provincial Level sa operasyon ng Noveleta Municipal Police Station at Cavite Provincial Anti-Cyber Response Team sa Barangay Salcedo 2, Noveleta, Cavite, noong Pebrero 22, 2024.
Kinilala ni Police Major Rene Dale G Cairel, hepe ng Noveleta Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Mark,” residente ng Barangay Salcedo 2, Noveleta, Cavite.
Matapos ang masusing pagsusuri at pagmamatyag ng mga operatiba, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175) o maling paggamit ng device (paglabag sa sec. 4, paragraph 5, subparagraph i (bb).
Bilang pagsuporta sa programa ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan para sa isang bagong Pilipinas, mas paiigtingin ng Police Regional Office 4A sa pamumuno ni PBGen Paul Kenneth T Lucas, Regional Director, ang laban sa pagsugpo ng iba’t ibang uri ng krimen sa lalawigan ng CALABARZON.
Source: Cavite PPO-PIO
Panulat ni Pat Maria Sarah P Bernales