Batangas – Nagsagawa ng Livelihood Program Turn-Over Ceremony ang Regional Mobile Force Battalion 4A sa Brgy. Ambulong, Tanauan City, Batangas ganap na 10:30 ng umaga, nito lamang Biyernes, Enero 6, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Maria Ailyn Franca, Regional Mobile Force Battalion Curao Team Leader, sa ilalim ng superbisyon ni Police Lieutenant Colonel Agosto Asuncion, Force Commander, katuwang ang Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A, Provincial Explosive and Canine Unit, 1st Batangas Provincial Mobile Force Company, Tanauan City Police Station Philippine National Police Academy at Pastor Junie Austero, Christ the Believer Fellowship.
Nagturn-over ang mga grupo ng grocery items, food packs at 16 na tig 5-kilo na bigas kay “Ka Resting”, isang dating presidente ng Samahan ng Mangingisda ng Taal.
Namahagi rin ang mga grupo ng mainit na lugaw at pandesal sa mga residente ng naturang barangay na nakiisa sa naturang programa.
Samantala, laking pasasalamat at galak ng pamilya at kaanak ni “Ka Resting” dahil sa ipinaabot na tulong at suporta ng Pambansang Pulisya at ibang ahensya ng gobyerno.
Layunin ng programa na ipadama sa mamamayan na ang PNP ay kakampi at maasahan sa lahat ng oras.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A