Tacloban City – Nagsagawa ang Women and Children Protection Desk ng Tacloban City Police Station 2 ng programang Project ViBES at Nutritious Feeding Program sa mga kabataan ng Tacloban City nito lamang Martes, Abril 19, 2022.
Ayon kay Police Major Winrich Laya Lim, Police Station 2 Commander, naging parte ng PNP Project ViBES “Virtual Bisita Eskwela – Malakas ako” ang pagbibigay ng lecture patungkol sa R.A. 7610 o “Anti-Child Abuse Law” at pagkakaroon ng “Nutritious Feeding Program” para sa mga kabataan at estudyante ng Barangay 6 Sto. Niño Extension.
Ayon pa kay PMaj Lim, ang nasabing aktibidad ay naglalayon na hubugin at impluwensyahan ang mga kabataan at mga mag-aaral na maging “STRONG” (Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice and God-fearing) at makabuo ng aktibong suporta at partisipasyon sa mga pagsusumikap sa pagsugpo sa krimen ng PNP.
Ang Tacloban PNP ay ipagpapatuloy ang Project ViBES para imulat ang ating mga kabataan sa kanilang mga karapatan upang maprotektahan nila ang kanilang sarili sa pang-aabuso at pagsasamantala.
###