Iguig, Cagayan – Matagumpay na nagsagawa ng Project U.B.E. (United for Baby of Eve) ang Cagayan PNP na may temang “Isang-daang Piso para sa Batang may Kailangan” sa Brgy. Redondo, Iguig, Cagayan nito lamang Biyernes, Hulyo 22, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCol Renell R Sabaldica, Provincial Director, Cagayan PPO at may bahay na si Ginang Leah F. Sabaldica, President, OLC Cagayan kasama ang PRO 2 Officers’ Ladies Club, Cagayan PPO Ladies Link at sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PBGen Steve B Ludan, Regional Director, PRO 2 at mga lokal na opisyales ng Iguig.
Kinilala ni PCol Sabaldica ang dalawang benipisyaryo na sina Alyannah Pedralvez, 2 taong gulang na may matinding hika at Abigail Pedralvez, 11 taong gulang na may Primary Koch’s Infection.
Ayon kay PCol Sabaldica, makakatanggap ang mga benepisyaryo ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng Php5,000, bags of grocery items at 10 kilong bigas.
Ang nasabing proyekto ay nabuo sa pamamagitan ng tulong donasyon ng mga tauhan ng Cagayan Police Provincial Office at iba pang volunteer donors.
Patuloy naman ang Cagayan PNP at CPPO Ladies Link sa pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders para sa isang mas interactive at produktibong mga aktibidad na makakatulong sa komunidad.
Source : Cagayan PPO
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier