Sultan Kudarat – Isinagawa ng mga kapatid nating Muslim mula sa mga miyembro ng Sultan Kudarat Police Provincial Office ang inisyatibo kaugnay sa Holy Month of Ramadhan na tinaguriang Project SUKRAN na ang ibig sabihin ay (Sama-samang Tumulong Kaugnay sa Ramadhan) nito lamang Abril 2, 2023.
Ang Ramadhan at pag-aayuno sa panahon ng Banal na Buwan ay isa sa Limang Haligi ng Pananampalataya sa Islam. Ito rin ang panahon para magsisi at itaguyod ang diwa ng pagbibigayan sa isa’t isa.
Ang nasabing aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Randy Eliarda, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit/IO Officer ng Sultan Kudarat Police Provincial Office katuwang ang mga kapatid nating mga Muslim at Isulan Municipal Police Station na nagbigay ng food packs sa higit 100 pamilya.
Samantala, ipinagluto naman ng Iftar ang 100 pang pamilya mula sa Zhakariya Masjid, Purok Masagan 1, Isulan, Sultan Kudarat.
May kabuuang 600 na pamilya ang nakatanggap ng food packs at Iftar na inihanda sa mga Muslim community na isinagawa ng iba’t ibang unit sa mga Masjid sa lalawigan.
Ang Project S.U.K.R.A.N ay nag-ugat sa turo ng Islam na ang diwa ng pagbibigay ng walang pagtanggap ng anumang pagbabalik na kahalintulad sa ating CPNP Peace and Security Framework na M+K+K=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran at Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan.
Panulat ni Patrolman Gio Batungbacal/RPCADU12