Sultan Kudarat – Bilang pakikiisa ng PNP sa Holy Month of Ramadan ay patuloy pa rin ang pagluIunsad ng Project SUKRAN sa iba’t ibang panig ng Sultan Kudarat ngayong buwan ng Abril 2022.
Libreng pakain at food packs ang inihandog ng PNP sa probinsya ng Sultan Kudarat. Ito ay isinasagawa tuwing oras ng pagkain ng mga kapatid na muslim o tinatawag na IFTAR.
Labis ang galak ng mga dumalo dahil sa mga iba’t ibang serbisyo at pagbibigay suporta na hatid ng PNP tuwing ginaganap ang Holy Month of Ramadan.
Matagumpay na naiparating ng PNP ang serbisyo at suporta ng gobyerno sa mga naging benepisyaryo ng Project SUKRAN sa tulong ng iba’t ibang himpilan ng PNP sa Probinsya ng Sultan Kudarat na kinabibilangan ng pamunuan ng Columbio Municipal Police Station, Bagumbayan MPS, Kalamansig MPS, Esperanza MPS, Lambayong MPS, 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company, Lutayan MPS kasama ang SALAAM police at iba pang mga stakeholders na handang sumuporta sa mga programa ng PNP.
Lubos naman ang pasasalamat ng PNP sa pamunuan ng Rehiyon 12 sa pangunguna ni PBGen Alexander Tagum, sa pagbibigay suporta sa buong hanay ng PNP upang makapag-abot ng serbisyo at tulong sa anumang oras tungo sa pagkakaisa ng mamamayan at kapulisan.
###
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin