Kidapawan City (February 12, 2022) – Inilunsad ng Kidapawan City Police Station ang Project Sharing o Strategic in Law Enforcement and Holding Initiative as Measures thru Distribution of Information and Education Campaign Materials and Recorida/Oplan Yawyaw in partnership and collaboration with stakeholders for Networking and Promoting Geared Towards Peaceful Community, noong Pebrero 12, 2022.
Ang mga tauhan ng naturang istasyon ay nagsagawa ng pamamahagi ng IEC materials patungkol sa RA 8353 (Anti – Rape Law), RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act), RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Persons Act), Bomb Awareness, DPAGS, SAFE NLE 2022 at COVID 19 Health and Safety Protocols sa mga may-ari at empleyado ng tindahan sa Mega Market, Barangay Poblacion, Kidapawan City.
Isinagawa ang pamamahagi ng mga materials upang mas maintindihan o maunawaan ng mga residente ang mga nasabing paksa o batas.
####
Panulat ni: Patrolman Charnie A Mandia
Godbless Pnp
Ang mga pulis talaga ay may puso at malasakit saludo kami