Saturday, November 30, 2024

Project Scholar, muling inilunsad ng Cagayan PNP

Cagayan – Muling inilunsad ng Cagayan PNP ang kanilang “Project Scholar” kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony na naganap sa Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City, Cagayan nito lamang Lunes, ika-6 ng Pebrero 2023.

Binuo ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company ang konsepto ng proyekto na naglalayong matulungan ang mga kabataang hirap sa buhay ngunit karapat-dapat makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo upang sila ay mailayo sa masasamang bisyo at panlilinlang ng makakaliwang grupo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Vincent C Maguddayao, Force Commander ng 1st CPMFC, sa ilalim ng Project Scholar ay nagbibigay ang bawat miyembro ng kanilang hanay ng boluntaryong kontribusyon mula sa kanilang bulsa upang matustusan ang College Tuition Fee, Allowance, at groceries ng kanilang tinutulungang estudyante.

Dagdag pa niya, nauna nang nailunsad ang programa taong 2018 kung saan naging benepisyaryo si Ginoong Edgar C. Marcos mula sa Barangay Assasi ng Baggao, Cagayan. Napagtapos na ng kursong Bachelor of Science in Criminology sa Philippine Law Enforcement College in Tuguegarao City si Edgar nito lamang Setyembre 2022 at isa nang ganap na Registered Criminologist na nakapasa noong Disyembre ng kaparehong taon.

Sa kanyang mensahe ay lubos ang naging pasasalamat ni Edgar sa tulong at patuloy na pag-alalay sa kanya ng Cagayano Cops upang matupad ang kanyang pangarap na makatapos sa kanyang pag-aaral at maging isang ganap na pulis.

Sa kasalukuyan ay naghahanap na ng karapat-dapat na susunod na maging benepisyaryo ng programa ang Cagayano Cops para sa kanilang muling paglulunsad.

Source: First Cagayan Provincial Mobile Force Company

Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles