Getafe, Bohol – Isinakatuparan ng Bohol Provincial Mobile Force Company ang “Project Sayon”, Sayon na hango sa apelyido ng Force Commander ng Bohol PMFC na si Police Lieutenant Colonel Homobuno R Sayon na isinagawa sa Barangay Cagawasan, Getafe, Bohol nito lamang ika-13 ng Agosto 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Elizandra Julia M Jamora, PCR PCO at mga tauhan ng Bohol PMFC sa tulong ng sponsor ng programa na sina Mrs. Emilda Miner at Mr. EJ De Guzman.
Naging makabuluhan ang aktibidad dulot ng mga ipinamahaging food packs, school supplies, medicines, vitamins, itlog, special na regalo para sa mga Senior Citizen, dental kits para sa mga bata, alcohol, mask, pre-loved na damit at maging laruan.
Labis naman ang naging kasiyahan ng mga nakatanggap ng regalo mula sa nasabing grupo at personalidad, ayon sa mga ito, malaking bagay ang handog ng kapulisan dahil ito ang kanilang pangunahing kailangan ngayong panahon ng pandemya.
Layunin ng Project Sayon na maipadama sa mga residenteng kanilang nasasakupan ang kanilang malasakit at buong pusong pagmamahal para sa mga ito.
Tinitiyak naman ng Bohol PNP na walang humpay ang paghahatid nila ng serbisyong makatao at may puso para sa lahat ng residenteng kanilang pinangangalagaan.
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista