Lubos ang kasiyahan ni NCRPO Regional Director, PMGen Vicente Danao, Jr. sa kanyang naging matagumpay na S.I.B.O.L Projects o Simula ng Isang Bagong Oportunidad sa Lipunan bilang bahagi ng Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan Towards National Recovery sa Sitio Bakal, Brgy. Silangan, Quezon City nitong araw ng Lunes, ika-25 ng Oktubre ng taong kasalukuyan.
Pinasinayaan at naiturn-over ang isang tahanan ng isang lalaki sa Sitio Bakal na isinaayos ng team NCRPO na dating naninirahan lamang sa isang tila bahay ng kalapati na tinatawag nilang House of Life Project na pinangunahan ni NCRPO Regional Director, PMGen Vicente Danao, Jr.
Nasaksihan din ng mga residente ng Sitio Bakal ang ceremonial lighting ng unang bugso ng solar panel na pinagkaloob ni PMGen Danao. Layon nito ang makapagbigay liwanag sa mga tahanan ng 300 pamilya at sa masusukal na daanan ng nasabing lugar.
Nakasama sa ceremonial lighting ang pag-ilaw sa isang Christmas Tree na nasa labas ng barangay na labis na ikinatuwa ng mga residente at nababakas sa kanila ang tunay kasiyahan.
Labis naman ang pasasalamat ng mga residente ng Sitio Bakal sa mga nasabing proyekto ng Team NCRPO sapagkat ito ay makapagbibigay ginhawa sa kanilang buhay.
Ang naturang lugar ay dating naging kuta ng teroristang grupo na ngayon ay inabot na ng tulong at proyekto ng gobyerno sa pamamagitan ng maayos na pagpapatupad ng NTF-ELCAC o End Local Communist Armed Conflict na programa ni Pangulong Rodrigo Roa at ang Duterte Legacy: BARANGAYanihan Caravan dahil sa epektibong pamumuno at tunay na may PUSO at MALASAKIT na lider na si PMGen Danao.
Kaugnay nito, lubos rin ang pasasalamat ni PMGen Danao sa mga stakeholders na patuloy ang suporta sa makabuluhang proyekto ng Team NCRPO.
#####
Article by Patrolwoman Nica V Segaya