Thursday, October 10, 2024

Project S.A.G.I.P Kabataan, inilunsad ng Cagayan PNP

Cagayan – Inilunsad ng Cagayan PNP nitong Martes, ika-23 ng Mayo ang kanilang bagong programang Project S.A.G.I.P (Sangga at Gabay Ilalaan sa Pangarap) Kabataan sa pamamagitan ng isang simpleng programang ginanap sa Cagayan National High School, Tuguegarao City, Cagayan.

Pinangunahan ang aktibidad ni Police Colonel Julio Gorospe Jr., Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office at dinaluhan ng mga miyembro ng Parents, Teachers, and Community Association (PTCA) ng CNHS, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), at Cagayano Cops.

Layunin ng proyektong ito na mabantayan ang mga kabataan at mailayo sila sa krimen, terorismo, at ilegal na droga. Bukod dito, layunin din nito na maipadama at maipakita sa kanila ang kahalagahan ng tungkuling kanilang ginagampanan sa pagkamit ng isang mapayapa, matatag, at progresibong komunidad.

Samantala, sa mensahe ni PCol Gorospe ay ibinahagi niya ang mga maaaring maging epekto sa buhay ng mga estudyante ng pagsapi sa makakaliwang grupo at paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Bukod pa dito, ipinaabot din niya ang kanyang pasasalamat sa suporta ng mga kabataan at mga stakeholders upang maisakatuparan ang proyekto. ā€œTayoā€™y magkaisa, kabataan at mamamayan; sama-sama nating tapusin ang problema ng ating bansa sa terorismo at ilegal na drogaā€, ani PCol Gorospe.

Natapos ang aktibidad sa pamamagitan ng pagpirma ng Pledge of Commitment sa pagitan ng kapulisan at mga stakeholders para sa maayos at tuloy-tuloy na pagsasagawa ng Project SAGIP Kabataan.

Source: Cagayan Police Provincial Office

Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles