Aktibong nakinig ang mga mag-aaral ng Nicanor Ibuna Elementary School sa San Juan City sa isinagawang Project R.E.A.D.Y. o (Resistance Education Against Drugs for the Youth) lecture ng San Juan City Police Station nito lamang Biyernes, Mayo 24, 2024.
Ang pagtuturo ay pinangunahan ng Station Community Affairs and Development Section at FJGAD PNCO sa ilalim ng malakas na pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Chief of Police ng San Juan CPS.

Ibinahagi sa mga estudyante ng paaralan na iwasan ang masasamang bisyo lalo na ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot dahil maaari itong makasira ng kanilang buhay.

Kasabay nito, ginawaran naman ang mga mag-aaral ng cerficates at binigyan din ng kapulisan ng meryenda.
Layunin nito na magkaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa masamang epekto ng ilegal na droga at itaguyod ang civic engagement; at puksain ang mga ilegal na droga sa loob ng lungsod para sa kaligtasan ng mga kabataan at para sa ikakauunlad ng ating bansa.
Source: Sanjuancity Pulis
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos