Cebu City – Isang Community Outreach Program na “Project Palangga” ang inilunsad ng Cebu City PNP sa Bonita Homes for Girls, Brgy. San Jose, Cebu City nito lamang Martes, Hulyo 12, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Cebu City Police Office, Police Station 8 sa direktang pangangasiwa ni Police Major Alvin Arsula Llamedo, Chief of Police kasama ang City Community Affairs and Development Unit ng CCPO8, katuwang ang mga tauhan ng Police Regional Office 7 Family Juvenile and Gender Sensitivity Section at National Police Commission 7.
Dumalo din sa nasabing aktibidad ang Mandaue Eagles Club at mga opisyales ng Barangay sa pamumuno ni Hon. Joventino Ardaba.
Tampok sa aktibidad ang pagtuturo ng mga safety tips sa mga kaso ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004; Inspirational message ni Police Executive Master Sergeant Egmedio Felisan Jr., Chief Clerk, CCADU at pagtugtog ng PRO7 Band bilang aliw sa mga bata.
Tinatayang nasa mahigit-kumulang 60 na mga bata mula sa Bonita Homes for Girls ang napasaya at nabigyan ng mga tsinelas, 20 piraso na bagong upuan, isang sako ng bigas, mga gulay, 80 piraso ng food packs at mga bitamina.
Inilunsad ang programa sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.”
Layunin ng Pambansang Pulisya na patuloy na makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan lalong lalo na sa mga bata na higit na nangangailangan.
###