Tapaz, Capiz – Inilunsad muli ng mga tauhan ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga tauhan ng 12th Infantry Battalion, 3rd Infantry Division ng Philippine Army at ng Tapaz Municipal Police Station, ang feeding program sa mga residente sa Brgy. Agcococ, Tapaz, Capiz nitong Hunyo 7, 2022.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ferjen Torred, Force Commander, ang programa na mas kilala bilang Project PAKAON, na naglalayong makapag-abot ng masustansyang pagkain sa mga residenteng kapos at nangangailangan ng tulong.
Nakapamahagi ang grupo ng pagkain at tubig sa humigit kumulang 70 beneficiaries na dumalo at nakiisa sa aktibidad sa nabanggit na barangay.
Ang 2nd Capiz PMFC katuwang ng ating mga kasundaluhan at iba pang mga stakeholders ay patuloy na magsasagawa ng parehong mga aktibidad sa iba’t ibang barangay sa ikalawang distrito sa probinsya ng Capiz bilang bahagi sa PNP PATROL PLAN 2030 at sa nagtutulungan at nagkakaisang komunidad.
###