Tapaz, Capiz– Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng PNP 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company ng “Project PAGBULIGAN: A Livelihood Training and Seminar Program” nito lamang Huwebes, Abril 7, 2022.
Ang programa ay ginanap sa Brgy. Roxas, Tapaz, Capiz at naisakatuparan sa pamumuno ni PLtCol Ferjen Torres, Force Commander, na pinangunahan ni PLt Dennis Losbanes, Admin Officer at mga tauhan nito, katuwang ang 602nd Company ng RMFB 6.
Umabot sa 65 residente ng Brgy. Roxas, Tapaz, Capiz ang dumalo, nakilahok at sumailalim sa nasabing Livelihood and Skills Training upang matuto sa paggawa ng powder detergent at fabric conditioner.
Ito’y isa sa mga aksyon at naisipang solusyon ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na makatutulong na maging progresibo at maunlad na mamamayan ng komunidad upang hindi ito madaling mahikayat ng mga kumunistang teroristang grupo.
###
Panulat ni Patrolwoman Darice Anne Regis
Damo gid n salamat PNP