Nagsagawa ang mga tauhan ng Police Regional Office 7 ng Project P.A.G.D.A.S.I.G na ginanap sa Everlasting Hope, Topaz St. Francisco Village, 6th St. Happy Valley, Guadalupe, Cebu City nito lamang ika-13 ng Nobyembre 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Emelie Santos, Chief Regional Community Affairs and Development Division 7, katuwang si Police Lieutenant Colonel Albert R Quilitorio, Chief CCADU CCPO.

Sa paglulunsad ng Project P.A.G.DA.S.I.G (Pulis Aktibo sa Gugma, Madasigon sa pag-Abag, ug paghatag sa serbisyo ug Inspirasyon sa Kabataang adunay sa gihambin nga balatian), tumanggap ang mga benepisyaryo ng pagkain tulad ng jollibee, prutas, gatas, bitamina at isang sako ng bigas para sa mga magulang ng mga bata.

Ang makabuluhang aktibidad ay alinsunod sa ika-31st National Children’s Month na may temang “Healthy, Nourished, Sheltered; Ensuring the Right to Life for All.”
Layunin ng aktibidad na makapagpaabot ng tulong sa mga bata at maiparamdam ang nararapat na pagkalinga at pagmamahal sa pamamagitan ng mga serbisyo para sa kanilang kapakanan.