Ang mga kapulisan ng Catanduanes 1st PMFC team ay nagsagawa ng Project KULAY at Supplemental Feeding Activity sa mahigit kumulang na 62 mga bata sa Brgy. Macutal, Baras, Catanduanes.
Ang Project K.U.L.A.Y (Kabataan, Umpisahang Linangin ang inyong Galing at Yaman) na naglalayong maging tulay patungo sa makulay na kinabukasan ng mga bata at magbigay daan upang mahasa ang kanilang galing at abilidad para sila’y magkaroon ng oportunidad na mangarap.
Alinsunod sa programa, namahagi ang Counter Urban Area Operations (CUAO) Team ng mga coloring books at school supplies para sa kanilang pag-aaral na handog ng kanilang stakeholders. Namigay din ng mga prutas at Jollibee na bihira makakain at makatanggap dahil malayo ang kanilang lugar sa kanayunan.
Pinangunahan ni PLt Arnel Peneda, CUAO Team ang nasabing aktibidad sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Santos J Tagomata Jr, Force Commander, Catanduanes 1st PMFC.
“Pinagsisikapan naming maihatid sa publiko ang dekalibreng serbisyo na di lamang nakikita kundi nararamdaman” ani Regional Director 5, PBGen Jonnel C Estomo.
Samantala, labis naman ang kasihayan at pasasalamat ng mga magulang lalong lalo na ang mga bata sa mga kapulisan sa kanilang ipinamahagi.
#####
Article by Patrolwoman Shiear Kye V Ignacio