Nagsagawa ang Tarlac 1st Provincial Mobile Force Company ng “Project Klase” sa mga mag-aaral na katutubong Aeta sa Sitio Bulacan, Barangay Sta. Juliana, Capas, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-15 ng Enero 2025.
Ang makabuluhang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Reyson M Bagain, Force Commander ng Tarlac 1st PMFC.
Nagbigay ang nasabing grupo sa mga mag-aaral ng school supplies na tiyak na magagamit ng mga ito sa pag-aaral.
Nagkaroon din ng lecture tungkol sa ating Watawat na isang mahalagang bagay upang mapanatili ang paggalang at pagtrato rito bilang simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at paggamit ng “po” at “opo” lalo sa mga nakakatanda.
Layunin ng “Project Klase” na bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pundasyon ng kanilang kaisipan na pagyamanin ang magandang pag-uugali bilang kabataang Pilipino pagiging makabayan mapataas ang antas ng kanilang kamalayan, turuan sila sa kanilang kontribusyon sa pagbuo ng bansa at pagtataguyod ng kapayapaan.
Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier