Saturday, September 21, 2024

Project Klase isinagawa ng Bulacan 1st PMFC

Nagsagawa ang Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company ng Project Klase sa mga mag-aaral ng Liputan Elementary School, Barangay Liputan, Meycauayan, Bulacan nito lamang Miyerkules, ika-18 ng Setyembre 2024.

Ang makabuluhang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Reyson M Bagain, Force Commander ng Bulacan 1st PMFC katuwang si Police Captain Benigno R Aquino, 4th Platoon Leader, Bulacan 1st PMFC kasama ang mga guro ng nasabing paaralan.

Nagbigay ang nasabing grupo sa mga mag-aaral ng school supplies na tiyak magagamit ng mga ito sa kanilang pag-aaral, feeding program at nagkaroon ng palaro na lubos na ikinatuwa ng mga bata.

Nagkaroon din ng lecture ang mga kapulisan ng Bulacan tungkol sa ating watawat na isang mahalagang bagay upang mapanatili ang paggalang at pagtrato rito bilang simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at paggamit ng po at opo lalo sa mga nakakatanda.

Layunin ng Project Klase na bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa pagbuo ng pundasyon ng kanilang kaisipan na pagyamanin ang magandang pag-uugali bilang kabataang Pilipino, pagiging makabayan, mapataas ang antas ng kamalayan, turuan sa kontribusyon sa pagbuo ng bansa at pagtataguyod ng kapayapaan.

Ang mga ganitong hakbangin ng pamahalaan at ang Pambansang Pulisya ay upang lahat ay mabigyan ng pantay-pantay na karapatan at matugunan ang pangangailangan lalo na sa edukasyon para sa inaasam ng kasalukuyang administrasyon na maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Pat Pearl Crystalynne Javier

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles