Naghatid kaalaman ang proyektong KALigtasan SA DAan o KALSADA ng Ilagan PNP para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) sa Centro San Antonio Community Center, Brgy. Centro San Antonio, City of Ilagan, Isabela noong Sabado, Mayo 21, 2022.
Ayon kay PLtCol Benjamin Balais, Hepe ng Ilagan City Police Station, lumahok sa nasabing proyekto ang 79 na miyembro ng TODA at 14 BPATs.
Kabilang dito ang pagkakaroon ng lecture at demonstration patungkol sa Road Safety Awareness na pinangunahan ni PMaj Felipe Eleponga, Deputy Chief, Regional Highway Patrol Unit 2 (RHPU2).
Gayundin ang Traffic Laws, Rules and Regulation na ibinahagi naman ni City Public Order Safety Management Office (POSMO) at ang kasalukuyang Public Safety Index ng naturang Lungsod na si Ginoong Sherwin Balloga.
Ang aktibidad ay naglalayong makapaghatid ng kaalaman upang magkaroon ng ligtas na paglalakbay at mabawasan ang mga aksidente sa daan.
Malaki ang pasasalamat ni PLtCol Balais dahil sa naging matagumpay ang aktibidad sa tulong at pakiisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at mga stakeholders para sa ligtas na daan para sa mga commuters.
Source: Ilagan City PS
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi