Libacao, Aklan (February 8, 202) – Masigasig na pinangunahan ng 1st Aklan Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Major Donnel P Regis, Officer-In-Charge sa pakikipagtulungan ng Social Mobilization and Networking ng Department of Education (DepEd) Aklan sa pangunguna ni Ms. Apple Gay Oquendo ang pagturn-over sa 27 radio units para sa mga mag-aaral ng Oyang Primary School nitong araw, February 8, 2022 sa Barangay Oyang, Libacao, Aklan.
Ito ay alinsunod sa Project Kaisang- Bisig na inilunsad ng 1st Aklan PMFC na naglalayong matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan partikular na ang mga kabataan ng Brgy. Oyang na isa sa mga pinakamalayo na barangay sa Libacao. Tinatayang nasa 25 kilometro ang layo nito mula sa Poblacion at walang signal o internet connectivity.
Ang Oyang Primary School ang napili ng nasabing grupo na maging benepisyaryo ng nasabing kagamitan at inaasahang ito ay lubos na makakatulong sa mga mag-aaral dito.
Layunin din ng nasabing programa na mabigyan ng mga kagamitan ang mga mag-aaral upang matulungan silang makakuha ng napapanahong impormasyon at mga announcement o update, mapalokal o sa mismong pamahalaan natin. Naniniwala rin ang grupo na sa mga lugar na gaya ng Brgy. Oyang ang radyo ay may mahalagang papel sa pagbigay ng kamalayan at sa paghatid ng mga impormasyon gaya ng suporta ng pamahalaan at ng mga inisyatibo ng komunidad.
####
Panulat ni Patrolman Kher D Bargamento
Salamat sa malasakit ng mga alagad ng batas