Kasabay ng pagdiriwang ng 31st National Children’s Month, matagumpay na isinagawa ng hanay ng kapaulisan ng Police Regional Office (PRO) 7 ang Project “KADANGPAN” sa Danao City Police Office, Olivar Ext., Poblacion, Danao City, Cebu noong Huwebes, Nobyembre 23, 2023.
Ang naturang programa ay pinangunahan ng butihing may bahay ng ama ng PRO 7 PBGen Anthony A Aberin na si Mrs Melinda Aberin, katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division 7 sa pamumuno ni Police Colonel Emelie Santos, Chief RCADD at Regional Police Community Affairs and Development Unit 7.

Kabilang sa mga nakilahok sa programa ay ang panauhing pandangangal na si Hon. Thomas Mark H Durano, City Mayor at mga tauhan ng Danao City Police Station sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Clark S Arriola.

Naging tampok sa programa ang pamamahagi ng pagkain mula sa Jollibee, laruan, school supplies, foodpacks at mga palaro na labis na ikinatuwa ng mga batang kalahok.
Sa ibinahaging mensahe ng mga naging panauhin ng naturang programa, sinisiguro ng mga ito na patuloy ang paghahandog ng tapat na serbisyo publiko para sa mamamayan at pagsusulong ng mga programa na nakatuon sa pagpapanatili ng kaligtasan at maayos na kalusugan para sa mga bata.