Matagumpay na nagsagawa ng community outreach program ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Captain Concepcion O Tawagon sa ilalim ng liderato ni Police Lieutenant Colonel John B Cayat Jr., Force Commander sa Sitio Tomiangan, Dupag, Tabuk City, Kalinga nito lamang ika-2 ng Disyembre 2024.



Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Company Advisory Group for Police Transformation and Development (CAGTPD), Barangay Local Government Unit ng nasabing lugar at mga stakeholders.
Nakinabang ang 24 na kabahayan sa pamamahagi ng mga pangunahing grocery items at Noche Buena packs. Bukod dito, nagsagawa din ng lektura ukol sa pagpigil ng krimen at mga kampanya ng PNP para sa kaligtasan ng publiko.
Ang Project KABADANG (Kalinga at Pagmamahal sa Kababayan Biyayang Alay ng Kapulisan Tungo sa Dakilang Adhikaing Kapayapaan na Ninanais ng Mamamayan at Gobyerno) ay isa sa unit’s best practices na naglalayong magbigay ng tulong at serbisyo sa komunidad, lalo na sa mga nangangailangan.
Ang aktibidad ay patunay ng pagtutulungan ng iba’t ibang sector para sa kabutihan ng mamamayan.