Isinagawa ng mga tauhan ng 2nd at 3rd Platoon Patrol Base ng Santiago City ang PROJECT Ka.Ba.Ta. o ang “KAsangga ang mga kabataan sa BAwat panahon, Taglay ang kagalingan at Angking katalinuhan ang siyang ikakaunlad ng bayan” na ginanap sa Balintocatoc Integrated School nitong ika-20 ng Oktubre 2022.
Sa pamumuno ni PLtCol Myla Paguyo, OIC, Santiago City Mobile Force Company, pinangunahan ni PLt Mosby Melanie Ramos at PLt Rhia Sharon Buraga ang pagtalakay sa mga paksa hinggil sa Youth Recruitment ng CPP-NPA-NDF at masamang dulot ng mga ipinagbabawal na gamot na siyang sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.
Naging aktibo naman ang mga mag-aaral ng Grade 11 sa pakikinig at pagtatanong.
Layunin ng proyektong ito na maipahayag sa mga kabataan ang masamang dulot nang pag-anib sa mga grupong lumalaban sa ating gobyerno at ang kasalukuyang sitwasyon ng ilegal na droga sa ating bansa para maiwasan ang mga ito.
Source: CMFC, SCPO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos