Cabarroguis, Quirino – Inilunsad ng 1st Quirino Provincial Mobile Force Company ang Project Henyong, isang PNP Mascot na tinawag na si Patrolman Henyong na ginanap sa Barangay Burgos Cabarroguis, Quirino nito lamang ika-15 ng Agosto 2022.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Eugenio L Mallillin, Force Commander sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Rommel A Rumbaoa, Provincial Director ng Quirino katuwang ang Officers Ladies Club Quirino sa pangunguna ni Mrs. Leila R Rumbaoa, Adviser at Mrs. Eva Cabanilla, President, 1st QPMFC Company Advisory Group sa katauhan ni Ms. Joan U Javier, Chairperson, RHU Maddela, RHU Aglipay, Regional Police Community Affairs and Development Unit 2, NARIAG Quirino, LGBTQ+ Cabarroguis Chapter at ilang opisyales ng barangay.
Ayon kay PLtCol Mallillin, ang Project Henyong ay may ibig sabihin na “Honest and Highly Capable Law Enforcer who envisions his primary objective to Nation-building and ensuring public safety and order being portrayed by a Young Officer who has high sense of Nationalism and a God-fearing public servant”.
Bukod sa inilunsad na proyekto ay nagkaroon din ng Community Outreach Program at Dental Mission kung saan umabot sa 150 mga benipisyaryo ang nahandugan ng libreng tsinelas, school supplies, libreng gupit, mga damit (ukay-ukay), face towel, at nagkaroon ng feeding program.
Dagdag pa ni PLtCol Mallillin, ang programa ay kaakibat sa Program thrusts ni CPNP na M+K+K=K stands for “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran” na naglalayong mas mapalapit pa ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan.
Source: 1st Quirino PMFC
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier