Inilunsad ng Bataan PNP ang kanilang “Project Hakbang” para sa mga kabataan sa Brgy. Imelda, Samal, Bataan nitong Lunes, Mayo 30, 2022.
Ito ay sa pamumuno ni Police Colonel Romell Velasco, Acting Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office kung saan mahigit 100 estudyante ng Asuncion Consunji Elementary School ang nabigyan ng bagong sapatos na kanilang magagamit sa darating na pasukan.
Ang nasabing proyekto ay may temang “Project Hakbang Tungo sa Kinabukasan ng Kabataan”.
Ayon kay PCol Velasco, malaki ang pasasalamat ng mga magulang ng mga kabataan sa PNP sa kanilang natanggap na tulong para sa kanilang mga anak.
Layunin ng nasabing proyekto na maibigay ang iba’t ibang pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilang nasasakupan para sa nalalapit na face to face classes.
Patuloy naman ang Pambansang Pulisya sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan upang lalong mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Source: Bataan PNP
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera