Mambaling, Cebu City – Muling inilunsad ng mga tauhan ng Police Regional Office 7 ng Project “GAKUS” sa Sitio Alaska, Mambaling, Cebu City nito lamang Biyernes, Agosto 26, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Mary Crystal B Peralta, Assistant Division Chief ng Regional Community Affairs and Development Division kasama ang mga miyembro ng PIO PRO 7 na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Maria A Rayos, RPCADU 7, Cebu CPO, at Force Multipliers.
Ang Project GAKUS o “Gasa sa Gugma Alang sa mga Kabus Ug Sinalikway” ay isang programa na naglalayong magbigay ng suporta at maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga residente sa nasasakupan at ng bumuo ng isang matibay na relasyon sa pagitan ng PNP at ng komunidad.
Kabilang sa mga naging gawain sa nasabing programa ay ang pamamahagi ng food packs sa mga piling residente ng nasabing lugar, pamamahagi ng mga inihandang pagkain at laruan sa mga bata, maging ang pagtuturo patungkol sa mga pamamaraan sa pag-iwas sa mga krimen at ang epekto ng ilegal na droga sa buhay ng tao at sa pamayanan.
Samantala, bilang katuparan sa kahilingan ng mga kabataan sa lugar na magkaroon ng kagamitan sa paglalaro, masayang inabot ni PLtCol Peralta sa mga kabataan ang mga kagamitan kabilang na ang bola ng basketball, volleyball, net, basketball ring, at badminton set.
Kasabay ng walang humpay na pagpapasalamat ng grupo sa lahat ng mga nagbigay para sa pagsasakatuparan ng proyekto, hinimok ng pulisya ang mga residente na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan at pakikibahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng komunidad.
###