Cebu City – Matagumpay na inilunsad ng mga kawani ng Police Regional Office 7 ang Project “Gakus” sa Barangay Pasil, Cebu City nito lamang Sabado, Agosto 20, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Assistant Division Chief ng Regional Community Affairs and Development Division, Police Lieutenant Colonel Mary Crystal B Peralta katuwang ang ilan sa mga kasamahan nito at ang mga tauhan ng Police Station 6, Cebu CPO.
Ayon kay Police Lieutenant Colone Peralta, ang Project “Gakus” o “Gasa sa gugma Alang sa mga Kabus Ug Sinalikway” ay isang programa na idinisenyo upang maghatid ng tapat at maayos na serbisyo at suporta sa mga kababayan na hirap sa buhay.
Sa naturang programa ay masayang ipinamahagi at ipinatikim ng naturang grupo ang inihandang “Congee Soup” sa mga bata sa lugar na tinatayang umabot sa mahigit 300.
Kasabay ng pamamahagi ng pagkain, ay nagsagawa rin ang grupo ng libreng gupit at dayalogo sa mga bata na lubos na nagpasaya sa mga ito.
Lubos naman ang pasasalamat ni Police Lieutenant Colonel Peralta sa lahat ng naging bahagi para sa tagumpay na pagsasakatuparan ng programa higit na lalo sa Jollibee Food Corporation na nagbigay ng pagkain para sa mga bata.
Ang “Gakus” ay salitang “Cebuano” na ibig sabihin ay “YAKAP”, kung kaya ang paglulunsad ng Police Regional Office 7 ng naturang proyekto ay isang palatandaan at pamamaraan ng mga kawani nito upang ipadama ang pagmamahal at pagkalinga sa kanilang mga nasasakupan.
###