Eastern Samar – Inilunsad ng 1st Eastern Samar Provincial Mobile Force Company ang Project BBM o “Bao nga Bado hatag ni Maam” sa Brgy 13, Dolores, Eastern Samar nito lamang Huwebes, Agosto 4, 2022.
Ang programa ay inisyatibo ng Police Community Affairs Section Team ng 1st Eastern Samar PMFC sa pangunguna ni Police Lieutenant Angelyn Glou A Cortado, Admin and PCAS Officer sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joy G Leanza, Force Commander kasama si Hon. Maria Leni Tan, Brgy. Captain ng naturang barangay.
Naging benipisyaryo ng naturang programa ang mga piling bata ng Brgy. 13, Dolores na nabigyan ng mga bagong damit mula sa apparel brand na “Things and Stuff” by Aia.
Nagbigay pasasalamat naman si Kap Leni sa ngalan ng mga magulang ng mga batang nabigyan ng bagong damit na nakapagbigay saya at galak sa mga residente ng barangay.
Ang 1st Eastern Samar PMFC ay patuloy na isinusulong ang mga programang tiyak na makakatulong sa komunidad at mamamayan hindi lamang sa pagsugpo ng kriminalidad kundi pati na rin sa pagbibigay ng tuwa at ngiti sa kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez