Bacacay, Albay (February 18, 2022) – Nagsagawa ng Project BakaOne 2022 (Tree Planting activity) ang mga kapulisan ng Bacacay Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Igang, Bacacay, Albay nitong ika-18 ng Pebrero, taong kasalukuyan.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pamumuno ni Police Major Michael Lorilla, Chief of Police ng Bacacay MPS katuwang ang Rotaract Club of Quezon City Central (KAC QCC), Rotaract Club of Legazpi West (RAC LW), Rotaract Club of Legazpi Central (RAC LC), Philippine Coast Guard (PCG) District Bicol, Barangay Council, Sangguniang Kabataan, Tau Gamma Bacacay Chapter at mga Advocacy Support Groups.
Nakapagtanim ang mga dumalo sa aktibidad ng 102 mangrove trees sa nasabing barangay.
Patunay lamang na nagkakaisa ang ating organisasyon at ang komunidad para maisulong ang adbokahiya na ang pagtatanim ng mga kahoy ay nagsisilbing proteksyon sa atin sa mga iba’t ibang posibleng dadating na mga sakuna katulad ng global warming, baha, landslide at marami pang iba. Ito din ay labis na mahalaga sa mga hayop dahil ito ay nagsisilbing tahanan at lilim nila.
###
Panulat ni Patrolman Jomar M Danao, RPCADU 5