Pormal na inilunsad ang “Project Blessed to Bless” (B2B) ng Cagayan Police Provincial Office noong Lunes, Oktubre 4 sa Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City.
Layon ng “Project B2B” na mangalap ng donasyon tulad ng mga laruan, libro at anumang kagamitan na maaaring magamit ng kapus-palad na mga kabataan.
Nais ng Cagayan PPO na magbigay ng ngiti sa mga labi ng mga bata ngayong nalalapit na kapaskuhan sa kabila ng krisis na dulot ng COVID-19. Ito rin bilang pasasalamat ng Cagayano Cops sa mga biyaya na kanilang natanggap at tinatamasa.
Ayon kay Police Colonel Renell Sabaldica, ang Provincial Director ng Cagayan PPO, ang naturang proyekto ay isang paraan para buhayin sa puso ng mga kapulisan ang diwa ng pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa.
“Everyone must always have happiness and love from within which one can share to others in this time of uncertainties and challenges,” ani PD Sabaldica.
Ang Project B2B ay inisyatibo ng Cagayan PPO sa pakikipagtulungan sa PRO2 Officers Ladies Club at Cagayan Police Provincial Office Ladies Link.
Matatagpuan ang B2B box sa Cagayano Cops lobby kung saan maaaring maghulog ng mga laruan at anumang donasyon para sa mga kabataan.
####
Article by Police Corporal Josephine T Blanche