Nueva Vizcaya – Nagsagawa ang kapulisan ng Bagabag ng talakayan sa Project B.E.S (Balik Eskwla I am Strong) na idinaos sa paaralang elementarya ng Bugayong Brgy. Bakir, Bagabag, Nueva Vizcaya nitong ika-11 ng Enero 2023.
Sa pangangasiwa ng butihing Hepe ng Bagabag na si Police Major Oscar Abrogena ay aktibong nakilahok ang mga guro at mag-aaral ng nasabing paaralan.
Kalakip ng programa ang salitang “STRONG” o Smart, Talented, Responsible, Obedient, Nice at God-fearing.
Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng kaalaman lalo na sa kabataan ukol sa pagiging responsable, masunurin, at higit sa lahat ay may takot sa Diyos bilang isang mamamayan.
Ang hanay ng Pambansang Pulisya ay nakahandang tumulong sa pagpapalawig ng kaalaman upang maimulat ang kaiisipan ng mga kabataan na maging Maka-Diyos, Makakalikasan, at Makatao.
Source: Bagabag Police Station
Panulat ni PCpl Harry B Padua