Cabarroguis, Quirino (January 3, 2022) – Matagumpay ang muling pagsasagawa ng Quirino PMFC ng Project B.A.T.M.A.N o Be a Total Man-Operation Tuli sa LEX Building, Capitol Hills, Cabarroguis, Quirino noong Enero 3, 2021.
Pinangunahan ng mga kapulisan mula ng Quirino Provincial Medical and Dental Team sa direktang gabay ni PCol Cleto Pham Manongas, Chief Regional Medical and Dental Unit 2, kasama ang mga tauhan ng 1st Quirino Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pangunguna ni Plt Benedict V Cabias, Officer-in-Charge, ang naturang aktibidad.
Naging benepisyaryo nang nabanggit na proyekto ang 11 batang lalake na nagmula sa iba’t ibang bayan ng Quirino Province.
Samantala, naging katuwang ng mga kapulisan sina Hon. Julius Caesar Vaquilar, Bise Gobernador ng probinsya at Bb. Ana Alodia L Cabias, Nurse II, SDO Kalinga.
Inilunsad ang proyektong ito noong Enero 31, 2020 na kung saan ay nakapagsagawa sila ng 24 na aktibidad at nagkaroon ng 447 kabataang lalaki ang naging benepisyaryo.
Tinuturing itong best practice ng First Quirino PMFC sa tulong at suporta ng mga stakeholders ng mga kapulisan.
#####
Panulat ni PCpl Carla Mae T Canapi
Husay naman po..salamat sa inyo mga sir..