Cagayan – Umarangkada ang proyektong AVATAR o Alliance for Volunteer Actions in Tree planting and Aquatic Restoration ng miyembro ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force (PMFC) na ginanap sa Barangay Gangauan Amulung East, Cagayan noong ika-5 ng Hulyo 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Vincent Maguddayao, Force Commander ng Cagayan PMFC, ang tree planting ay kabilang sa Project Avatar na isa sa kanilang best practices.
Nakapagtanim ang grupo ng 200 na seedlings ng narra at mahogany sa paligid ng Ganguan Elementary School.
“Ang layunin ng project AVATAR ay para maibalik ang mga riverbanks at magsagawa tayo ng mga tree planting bilang bahagi pa rin ng PCR month celebration”, ani PLtCol Maguddayao.
Katuwang ng grupo ang mga miyembro ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 2, Amulung Police Station, opisyal ng barangay, mga guro, at mga estudyante ng naturang paaralan.
Ang mga aktibidad na inilulunsad ng hanay ng Pambansang Pulisya ay patunay na katuwang ng komunidad ang mga kapulisan sa pagresolba sa mga suliranin na dulot ng climate change at pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kalikasan.
Source:1st Cagayan PMFC
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi