Muling umarangkada ang Project Assist at Skul-Care ng 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company sa Barangay Lapi, PeƱablanca, Cagayan nito lamang ika-4 ng Marso 2025.
Ito ay pinangunahan ni Police Captain Martin C Calimag, Operations Officer, sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Abdel Aziz D. Maximo, Acting Force Commander, ang nasabing aktibidad.
Ito ay dinaluhan at nilahukan ng mga kasapi ng 1st Cagayan PMFC, katuwang ang Sierra Falcones, Cagayan Valley, at Greater Luzon sa pangunguna ni Engr. Mark Djeron Tumabao, Sierra Falcones Regional Program Director.
Sa kabuuan, 240 libro at 167 school supplies ang naipamahagi sa mga mag-aaral ng Lapi Elementary School mula Kinder hanggang Grade 6.


Lubos ang pasasalamat ng mga guro at estudyante sa tulong na natanggap, na ipinaabot ni Ginang Silveria Cabildo, Master Teacher I ng paaralan. Bukod sa mga libro at school supplies, nagbigay rin ang kapulisan ng munting meryenda para sa mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang suporta sa edukasyon.
Layunin ng Project Skul-Care (Students Keen Understanding on Localized Community Awareness for a Responsive Environment) sa ilalim ng Project Assist (Awareness and Strengthened Support in GIDAs in Fight Against Terrorism) na mapalakas ang edukasyon sa mga malalayong lugar at mabawasan ang banta ng kriminalidad at insurhensiya. Ang aktibidad na ito ay patunay ng pangako ng PNP sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa edukasyon.
Source: 1st Cagayan PMFC
Panulat ni Pat Leinee Lorenzo