Naglunsad ng PROJECT A. D. A. N. o Agapan ang krimen ng kahalayan dahil sa Dumaraming sangkot na mga kalalakihang Abuso at abusado sa mga kababaihan at kabataan Na nasisira ang kinabukasan ang Cabatuan PNP sa pangunguna ni Police Major Arturo Cachero, Chief of Police, na ginanap sa Cabatuan Police Station, Brgy. Centro Cabatuan, Isabela nitong ika-28 ng Oktubre 2022.
Dumalo sa aktibidad sina Hon. Bernardo A Garcia Jr., Municipal Mayor; Mr. Andres Alivia III, Municipal Councilor; Mr. Guiller Artates, MSWDO; mga kababaihan; at Brgy Officials ng Brgy. Centro, Cabatuan, Isabela.
Ayon kay PMaj Cachero, ang proyektong ito ay nabuo sa pinagsama-samang ideya mula sa kapulisan ng Cabatuan PS, DepEd at lokal na pamahalaan ng Cabatuan, Isabela dahil sa paglaganap ng sekswal na karahasan sa lalawigan.
Layunin ng proyektong A.D.A.N. na mapigilan ang mga pang-aabuso sa mga kababaihan at sugpuin ang mga sekswal na krimen lalo na ang panggagahasa. Sa pamamagitan nito, maagap na mapoproteksyunan ang mga kababaihan at kabataan.
Source: Cabatuan Police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos