Catbalogan City, Samar – Inilunsad ng Samar Police Provincial Office ang Visit to Give H.O.P.E. Program sa pamamagitan ng Coastal Clean-Up Drive sa baybayin ng Brgy. Maulong, Catbalogan City, Samar noong ika-3 ng Setyembre 2022.
Ang programang Visit to Give H.O.P.E. (Home of Persons Enriched with Love) na may temang: “A Proactive Measure to Prevent Violence Against Women and Children” ay pinangunahan ni Police Colonel Peter Uy Limbauan, Officer-In-Charge, na kinatawan ni Police Lieutenant Colonel Francisco A Sumpo Jr, Deputy Provincial Director for Administration katuwang ang AFPSLAI Catbalogan sa pamumuno ni G. Axel G. Grajales, Branch Manager.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga Barangay Council at mga residente ng Brgy. Maulong na pinamumunuan ni Romeo P. Tilles, Brgy. Chairperson, Alpha Phi Omega-Theta Alpha Alumni Association 43 na pinamumunuan ni G. Alfonso Labrague, Faith-Based Organization/Life Coaches ng Samar PPO, iba pang Advocacy Support Groups, mga tauhan mula sa Catbalogan City Police Station at 8th Infantry Division, Philippine Army na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Renen Mundog, Deputy Commanding Officer, Installation Management Battalion, PA.
Ang naturang programa ay bahagi ng PNP KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan), isang community mobilization program na nagbibigay-diin sa synergized at collaborative partnership sa pagitan ng PNP at ng mamamayan sa pamamagitan ng interbensyon at tulong ng religious sector tungo sa layunin ng isang holistic transformation na kasali ang PNP at ang komunidad na pinaglilingkuran at pinoprotektahan nito.
Ang aktibidad ay naglalayong palakasin ang diwa ng bayanihan sa pangangalaga ng kapaligiran at isa ring hakbang upang mabawasan ang paglitaw ng mga natural na kalamidad o sakuna.