Aroroy, Masbate – Pormal na inilunsad ang programang “Titser Kong Pulis” ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company, 3rd Mobile Force Platoon sa Barangay Puro, Aroroy, Masbate nitong Miyerkules, Setyembre 21, 2022.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni Police Staff Sergeant Richard Extremadora, Platoon First Sergeant, 3rd Mobile Force Platoon, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Norlando F Mesa, Force Commander katuwang ang Advisory Group.
Ang programang “Titser Kong Pulis” ay may temang: Sanayin ang bata sa paraan na dapat niyang lakaran; kahit matanda na siya ay hindi niya ito hihiwalayan”.
Lumahok din sa nasabing aktibidad si Pastor Edgar Caayon ng Light House Fellowship at Life Coach na nagbigay ng blessings at kasama sa ribbon cutting ng classroom.
Namigay din sila ng school supplies para sa mga piling bata at magkakaroon sila ng klase sa ating kapulisan tuwing araw ng Sabado sa nasabing lugar.
Ang programang ito ay naaayon sa programa ng ating Chief, PNP na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong tulungan ang mga batang walang kakayahang makapag-aral at ang tanging hangad ay makatapos sa pag-aaral upang mairaos ang kanilang pamilya sa kahirapan.
Source: Masbate 1st PMFC
Panulat ni Patrolman Jomar Danao