Palo, Leyte – Matagumpay na inilunsad ang programang Revitalized KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ng Police Regional Office 8 kasabay ng Traditional Monday Flag Raising Ceremony na ginanap sa PRO 8 Matapat Hall, Camp Ruperto K Kangleon, Palo, Leyte nito lamang Lunes, Setyembre 26, 2022.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Police Brigadier General Rommel Francisico D Marbil, Regional Director, kasama ang Kasimbayanan Advisers na sina Pastor Gamaliel Aliposa, President ng Churches and Ministers Association of Palo, Imam Ustadh Ismael D Cacharo, Imam Muslim Community at Spokesperson.
Ang PNP KASIMBAYANAN ay nagsisikap na bumuo ng matatag na ugnayan ng pulisya-komunidad kasama ang faith-based organizations sa pamamagitan ng mga collaborative partnership na naka-angkla sa C, PNP’s Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan Tungo sa Kaunlaran (MKK= K).
Nagtapos ang aktibidad sa Ceremonial Signing of Pledge of Commitment sa pangunguna ng Regional Director, Command Group, Regional Staff at iba pang mga inimbitahang bisita at iba’t ibang stakeholders.
Binigyang-diin ni PBGen Marbil ang makabuluhang papel ng mga religious sectors at ng komunidad na may impluwensya sa pagkamit ng tunay na kapayapaan, seguridad at pag-unlad ng pamayanan.
Mensahe ni PBGen Marbil, “Kinikilala natin ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakapit-bisig ng bawat miyembro ng komunidad para sa kaunlaran at kaayusan ng ating buong sambayanan”.
Layunin ng aktibidad na magkaroon ng payapa at progresibong pamayanan sa pakikipagtulungan ng PNP, Religious Sector at Komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez